
β
βCauayan City – Nanawagan si Isabela House Speaker Faustino Dy III ng bukas at makataong konsultasyon kaugnay ng panukalang Anti-Political Dynasty Act habang sinimulan ng House of Representatives of the Philippines ang serye ng pagdinig sa ibaβt ibang panig ng bansa.
β
βAng unang konsultasyon ay ginanap sa Carmona City sa pangunguna ni Zia Alonto Adiong, chair ng House Committee on Electoral Reforms.
β
βTinalakay rito ang House Bill No. 6771 na inihain ni Dy kasama si Ferdinand Alexander Marcos upang malinaw na tukuyin at limitahan ang political dynasties alinsunod sa Konstitusyon.
β
βAyon kay Dy, panahon na upang tugunan ang matagal nang panawagan laban sa political dynasty.
β
βIginiit nito na seryoso ang Kamara sa pagpasa ng makatarungan at makabuluhang panukala, ngunit dapat itong dumaan sa malawak na konsultasyon.
β
βSamantala, tiniyak din niyang isasaalang-alang ang mga opinyong makakalap bago ipagpatuloy ang deliberasyon sa komite.
β
βSource: Fautino “Bojie” Dy III/FB
βVIdeo credit to: House of Representatives of the Philippines/FB










