Bago magtapos ang taon, naging matagumpay diumano ang naging laban kontra droga ngayong 2023 sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa Pangasinan Peace and Order Council (PPOC) at Pangasinan Anti-Drug Abuse Council (PADAC), inilatag nila ang mga nagawa ng ahensya kabilang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigan, sa ginanap na 4th Quarter Meeting ng mga ahensyang kabilang sa mga ikinasang anti-drug operations.
Ayon sa inilabas na datos ng Pangasinan Provincial Office (PPO), sa pangunguna ni PCol. Jeff Fanged, may kabuuang 86 na anti-drug operations ang ikinasa ngayong 2023 kung saan ang mga ito ay nagresulta sa pakakaaresto ng 104 katao na nahulihan ng mahigit 2.7 milyong halaga ng mga ilegal na droga.
Samantala, inilatag naman ng PDEA ang kanilang mga nagawa, ayon kay PDEA Provincial Director IA Rechee Camacho, iniulat niya na kaunting porsyento na lang ang nangangailangan ng drug clearance upang maideklarang drug free ang buong lalawigan. Sa katunayan, aniya, 8.43% na lamang o 1,364 na mga barangay ang hindi pa naitatalang drug-free.
Kaya naman, ayon sa mga ahensyang bumubuo ng PADAC at PPOC, sisiguraduhin nila na ang kampanya laban sa droga ay magpapatuloy sa darating na taong 2024, upang makamit ang pagiging drug free ng lalawigan, kasabay ng ilan pang kampanya para sa peace, order, at safety ng bawat Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨