Thursday, March 12, 2026

β€Žπ—žπ—”π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦π—”π—‘ π—‘π—š π—§π—¨π—šπ—¨π—˜π—šπ—”π—₯𝗔𝗒, π—‘π—œπ—Ÿπ—œπ—‘π—”π—ͺ π—”π—‘π—š 𝗗π—₯π—œπ—™π—§π—œπ—‘π—š π— π—”π—‘π—˜π—¨π—©π—˜π—₯ π—œπ—¦π—¦π—¨π—˜ 𝗦𝗔 π—§π—¨π—šπ—¨π—˜π—šπ—”π—₯𝗔𝗒 π—–π—œπ—§π—¬ π—₯𝗒𝗧𝗒𝗑𝗗𝗔

β€Ž
β€ŽCauayan City – Nilinaw ng Tuguegarao Component City Police Station (TCCPS) na walang naganap na drifting maneuver sa rotonda ng lungsod, taliwas sa kumakalat na video sa social media.
β€Ž
β€ŽAgad na inimbestigahan ng kapulisan ang insidente matapos itong i-report sa Command Center ng Tuguegarao.
β€Ž
β€ŽBatay sa masusing pagsusuri ng CCTV footage mula sa Command Center, lumitaw na ang sasakyang tinutukoy sa video ay mabagal lamang na umikot sa rotonda nang ilang beses at hindi nagsagawa ng drifting.
β€Ž
β€ŽBilang bahagi ng beripikasyon, nakipag-ugnayan din ang TCCPS sa Land Transportation Office (LTO) Tuguegarao upang tiyakin kung may kaugnay na paglabag o rekord ukol sa insidente.
β€Ž
β€ŽKung matatandaan, una nang naglabas ang LTO ng 90-days license suspension para sa driver ng sasakyan.
β€Ž
β€ŽSamantala, patuloy ang koordinasyon ng pulisya sa mga kinauukulang tanggapan upang matiyak ang katotohanan ng mga ulat.
β€Ž
β€ŽNangako ang TCCPS na magbibigay ng karagdagang impormasyon sa publiko sa sandaling may mga bagong detalye na makalap.
β€Ž
β€ŽSource: Tuguegarao Component City Police Station/FB

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments