𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗧𝗘𝗠𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝟯𝟵.𝟮°𝗖

Naitala noong isang araw lamang, April 23, 2024 ang kasalukuyang pinakamataas na temperatura sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taong 2024.

Pumalo sa 39.2°C ang temperatura partikular na sa lungsod ng Dagupan, ito ay mas mataas kumpara sa naitalang temperatura noong April 21, na umabot naman sa 39.2°C.

Kadalasan namang naglalaro sa 43 hanggang 47°C ang naitatalang heat index o damang init sa lalawigan, at ito ay sa ilalim ng danger category o mga heat indices na mula 42 hanggang 51°C.

Samantala, inaasahan na mas mataas pang heat index maging temperatura ang maitatala sa susunod na buwan dahilan pa rin ang ilang mga salik tulad ng El Niño, panahon ng tag-init, easterlies at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments