Panlulumo at hindi makapaniwala ang may-ari ng junk shop, bodega at bahay sa PNR Site, Barangay Mayombo, Dagupan City matapos matupok ng apoy ang kanyang ari-arian sa unang araw ng bagong taon 2024.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay OIC Intelligence and Investigation Office SFO1 Ricky Geronimo, pasado alas 12:27 ng January 1 nang sumiklab ang apoy sa nasabing lugar.
Inihayag nito na mabilis kumalat ang apoy dahil isa itong junk shop, bodega at bahay na pawang mga light materials ang nakalagay at gamit gaya ng mga nakaimbak na plastic, karton, sako at marami pang iba.
Kwento ni P. Verdijo, may ari ng mga ari-arian, natutulog daw siya sa mga oras nang nagsimulang sumiklab ang apoy at natutupok na ang parte ng junkshop hanggang sa kumalat na ito sa kanyang bodega at bahay.
Itinaas lamang sa unang alarma ang sunog kung saan pasado 1:45 ng madaling araw nang makontrol ang sunog.
Humigit-kumulang P60, 000 ang halaga ng damyos ang natupok.
Laking pasasalamat din ng BFP Dagupan City sa CDRRMO, Panda Volunteer Fire Brigade at sa tulong ng BFP Mangaldan, Binmaley at Calasiao upang maapula ang sunog.
Samnatala, titignan umanong anggulo sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng hanay ng BFP ang mga sinasabi ng mga bystanders na dahil sa paputok na ginamit ng mga bata sa lugar parikular ang paputok na kwitis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨