Sa paglunsad ng ‘Lakbay-Alalay’ ng Department of Public Works and Highways, tiniyak ng DPWH Region 1 na aantabay ang mga kawani nito sa mga lansangan sa buong Rehiyon upang alalayan ang mga biyahero sa Undas.
Itatalaga sa iba’t-ibang bahagi ng Rehiyon Uno ang mga kawani mula sa Regional at District Engineering Offices mula October 31 hanggang November 2, 2024. Pangunahing babantayan ng awtoridad ang Manila North Road, Primary, Secondary at Tertiary roads sa Ilocos Region.
Layon nitong matutukan at matulungan ang pagdaos ng Undas laban sa hindi kanais-nais na mga insidenteng posibleng mangyari sa mga kakalsadahan. Samantala, katuwang din ng DPWH Region 1 ang Land Transportation Office, Philippine National Police at Local Government Unit Representatives. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨