𝗞𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬 𝗡𝗔𝗚𝗠𝗜𝗦𝗧𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗦𝗢𝗞𝗢𝗟𝗔𝗧𝗘

Nagmistulang kulay tsokolate ang beach sa bayan ng Binmaley sa mismong araw ng pasko.

Kasabay ng pagdagsa ng mga turista sa lalawigan, nagulat at nag-alala ang mga ito ng tila mag-iba ang kulay ng dagat.

Ayon sa mga turista at naliligo, nag-umpisang maging kulay tsokolate ang dagat pagsapit ng hapon.

Base naman sa mga lokal at mangingisda, iyon ay bahagi lamang ng kanilang pagpapakain sa mga isda sa naturang dagat, kaya’t pansamantalang nag-iba ang kulay nito.

Paglilinaw naman ng MDRRMO, ito ay normal lamang dahil sa lakas ng current sa mga karagatan, ito ay hindi dapat ikabahala ng mga maliligo o ng mga mangingisda. Pinabubulaanan nila ang mga haka-hakang nagka-oil spill sa naturang bahagi ng dagat.

Sa kabilang banda, may ibang in-enjoy na lamang  ang pagbisita sa lugar at hindi na inintindi ang sitwasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments