𝗕𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗔𝗧 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚-𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗥𝗨𝗦𝗛 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗕𝗜

Christmas rush ang ganap sa visperas ng pasko matapos na dagsain ng mga konsyumer ang sikat na Baratilyo at ilan pang pamilihan sa Dagupan City para mamili ng mga pamasko at humabol sa mga sale.

Punuan sa mga bahagi kung saan may nagbebenta ng mga affordable na damit at mga may sale para makatipid ang mga mamimili.

Ang ilan rin kasi, mas pinili na lang na magdiwang pasko sa labas kung saan kumain na lamang kasama ang mga pamilya sa mga restawran at mga kainan lalo na sa mga hindi na rin naharap maghanda at magluto ng pagkain para sa pasko.

Inabot na rin ng dilim ay dagsa rin ang mga bumili sa palengke at wet market para mamili ng mga inihabol nilang handa sa pagsalubong ng pasko.

May iilan pa rin sa ngayon ang pumupunta sa mga naturang pamilihan kung saan mas piniling ngayong araw bumili para hindi maranasan ang dagsa ng tao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments