𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗥𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

Cauayan City – Timbog ang isang lalaking naglalako ng ilegal na baril sa ikinasang operasyon ng kapulisan sa Brgy. Villa Carmen, Ramon, Isabela.

Ayon sa ulat, ang suspek ay kinilalang si alyas “Christopher”, na nadakip matapos positibong maaktuhan sa pagbebenta ng ilegal na baril.

Sa operasyon ay isinagawa ng Ramon Police Station, nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang Caliber .38; tatlong piraso ng live ammunition para sa caliber .38, at isang piraso ng pouch.


Sa isinagawang body search, nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang isang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, lighter, sigarilyo, cellphone, coin purse, at pera.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Ramon Police Station ang suspek na mahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at paglabag sa Omnibus Election Code.

Facebook Comments