𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗕𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟

Patay sa pamamaril ang isang lalaking nagpapabakas sa lungsod ng San Carlos, kahapon.

Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng IFM News Dagupan, naganap ang naturang insidente sa Brgy. Palaming habang ginagawa ang content nito.

Ang biktima ay may-ari rin ng isang coffee shop sa lungsod.

Nauuso ngayon sa probinsiya ang “bakas” kung saan nag-iiwan ng pera ang mga content creator sa isang lugar at paunahang hanapin ito ng kanilang mga followers.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon at sa pagkakilanlan ng salarin sa nasabing insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments