
βCauayan City – Timbog ang isang lalaki na nakilala sa alyas na βGoryoβ sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA-Quirino kasama ang Santiago City Police at PNP Regional Drug Enforcement Unit sa Purok 2, Barangay Villasis, Santiago City.
β
βNahuli ang suspek matapos umanong magbenta ng hinihinalang shabu sa isang operatibang nagpanggap na buyer. Ayon sa mga awtoridad, isa ang suspek sa mga mino-monitor nilang drug personality sa nasabing barangay.
β
βNakumpiska mula sa operasyon ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na tinatayang 12.7 gramo, dalawang cellphone, at marked money na ginamit sa operasyon.
β
βKasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag saRepublic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.









