Kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa higit sampu pang mga probinsya sa Luzon ang nananatili pa ring nasa ilalim ng Drought Condition bunsod ng umiiral na El NiΓ±o Phenomenon.
Kasunod nito ang sunod sunod nang naitala sa iba’t-ibang bahagi sa probinsya ng Pangasinan ng epekto ng El NiΓ±o kung saan nararanasan ang pagtuyo ng mga sakahan at pagkasira ng ilang mga pananim.
Pinaghahandaan na rin ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ang El NiΓ±o Task Force na aantabay sa mga naapektuhang sektor at aspekto nito.
Inaasahan na magtatagal pa ang mas matinding El NiΓ±o hanggang sa buwan ng Mayo ngayon taon.
Samantala, ilan pang probinsya sa Luzon tulad ng Apayao, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Vizcaya, at Palawan ay sa ilalim din ng drought condition habang ang mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Zambales at Nueva Ecija ay sa ilalim naman ng dry spell. |πππ’π£ππ¬π¨