𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗢𝗨𝗚𝗛𝗧 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Nasa ilalim pa rin ng drought season o tagtuyot ang lalawigan ng Pangasinan, ayon ito sa Climate Forum 2024 na inilabas ng PAGASA.

Ngayong buwan, pumalo na sa 24 na probinsya ang naitalang nakaranas ng nasabing panahon. Labingwalo sa mga nasabing probinsya ang mula sa North and Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, drought kapag tatlong buwan na may naitalang below normal ang rainfall condition, o kaya nama’y mababa ng 60% sa naitatalang normal na pag-ulan, o kaya nama’y limang buwan na magkakasunod na below normal.

Sa tala ng ahensya, labimpito naman ang nakararanas ng dry spell at sampung lalawigan ang drought condition.

Ngayong buwan, wala pang naitatalang pag-ulan sa lalawigan ng Pangasinan na siyang nakapagpapalala ng nararanasang epekto ng El Niño sa probinsya.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments