CAUAYAN CITY- Nakipagtulungan ang Department of Languages and Literature, College of Arts and Sciences of Isabela State University βEchague sa LGU Echague upang isulong ang Center para sa Yogad Studies sa Bayan ng Echague.
Layunin nito na panatilihin at muling buhayin ang kultura, literatura at linggwahe ng Yogad kung saan sa paraang ito ang mga hinaharap na henerasyon ay maaari nilang matutunan at malaman kung paano pahalagahan at muling isabuhay ang kulturang ito.
Nagkaroon naman ng Memorandum of Agreement na dinaluhan ng mga opisyal ng Echague at empleyado ng ISU-Echague.
Ang pakikipagtulungan na ito ay nagpapakita ng importansya ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at akademikong pamumuno sa pagdiriwang ng magkakaibang pagkakakilanlan ng kultura.