
βCauayan City β Nakikiramay ang Local Government Unit of San Manuel sa pamilya ni Lullete Jane “Jing” Ramilo de Guzman, dating beauty queen na nasawi sa pamamaril sa San Manuel, Isabela noong Pebrero 13.
Sa post ni Mayor Dondon Dy, inanunsyo nito ang β±50,000 na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon na makatutulong sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng mga suspek.
Hinikayat ng pamahalaan ang publiko na makipag-ugnayan agad sa San Manuel Police Station upang isumite ang anumang detalye na makakatulong sa imbestigasyon.
βBinibigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kanyang naging ambag at mabuting halimbawa sa komunidad kung saan inilarawan siya ng alkalde bilang isang dedikadong guro, mapagmahal at maalagang asawa at ina.
Ayon sa LGU, mananatiling buhay sa alaala ng pamilya at komunidad si βJing,β na patuloy na igagalang at mamahalin ng lahat.
photo: DONDON DY/FB
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










