𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗡𝗖𝗘𝗥 𝗦𝗖𝗥𝗘𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝟭

Isasagawa ng tanggapan ng Department of Health-Center for Health Development 1 ang handog na libreng cervical cancer screening sa ilang ospital sa rehiyon uno sa buong buwan ng Mayo bilang pakikibahagi sa Cervical Cancer Awareness Month.

Hinihikayat ngayon ng Department of Health-Center for Health Development 1 ang mga kababaihan na makibahagi at subukang magpa-screening.

Hayag ni DOH-CHD-1 regional director, Dr. Paula Paz Sydiongco, importante ang early detection pagdating sa mga delikadong sakit tulad ng cervical cancer nang sa gayon ay agaran itong maagapan sa mga early stages pa lang.

Magaganap ang naturang libreng cervical screening simula May 10 kung saan una itong isasagawa s Ilocos Training and Regional Medical Center in San Fernando City, La Union, May 17 naman sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City, Ilocos Norte, at May 24 naman sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City, Pangasinan.

Samantala, pangatlo ang cervical cancer sa pinaka common cancer na nakukuha ng mga kababaihan sa Pilipinas, sunod dito ang breast at colorectal cancer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments