𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗡𝗔𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥’𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nasa animnapung libong mga bagong botante na ang naitalang mga bagong botante sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay kasabay ng nagpapatuloy na Voter’s Registration sa buong lalawigan.

Ayon sa naging panayam ng iFM News Dagupan kay Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, ang nasabing bilang ay pinagsama- sama na sa buong lalawigan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang Voter’s Registration sa buong lalawigan at patuloy ang kanilang paghikayat.

Samantala, may ilang araw na lang din naman ang mga nais tumakbo sa lokal na posisyon para makapagparehistro kung saan nila nais tumakbo dahil ayon sa batas ay kailangan ng registered voter ng isang taon sa isang lugar na nais tumakbo ng isang kandidato. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments