π—Ÿπ—œπ—•π—₯π—˜π—‘π—š π—¦π—”π—žπ—”π—¬, 𝗔𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—žπ—”π——π—” 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π——π—”π—šπ—¨π—£π—˜Γ‘π—’ π—–π—’π— π— π—¨π—§π—˜π—₯𝗦

Naganap ang contract signing sa pagitan ng LTFRB Region 1, LGU Dagupan at ilang transport group cooperatives upang isagawa ang libreng sakay sa ilalim ng Service Contracting Program na pinondohan ng gobyerno.

Ayon sa pahayag ng alkalde ng lungsod online, libre ang pagsakay sa mga makikikiisang modern at traditional jeepneys sa Dagupan.

Dagdag niya, parehong makikinabang ang mga commuter at drivers o operators sa programang ito. Bilang tipid-pamasahe sa mga commuter at bilang tulong sa mga drivers at operators sa kabila ng tumataas na presyo ng mga bilihin.

Nakatakda pang malaman ng mga DagupeΓ±os kung kailan magsisimula at magtatapos ang libreng sakay at kung anong mga partikular na routa ng mga jeepney ang makikiisa dito. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments