
Cauayan City – Ilulunsad ng Land Transportation Office – Cauayan City District ang 2-Day Free Theoretical Driving Course ngayong araw, ika-4 ng Marso hanggang bukas ika-5 ng Marso.
Sa inilabas na abiso ng LTO Cauayan District, ang nabanggit na programa ay eksklusibo para sa mga kababaihan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.
Ang seminar ay isasagawa mismo sa opisina ng LTO Cauayan sa Central Terminal, Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela kung saan target na mabenipisyohan ang 15 hanggang 20 kababaihan.
Samantala, maliban sa isasagawang free seminar ngayong araw at bukas, magsasagawa muli libreng TDC training tuwing huling araw ng Miyerkules at Huwebes buwan-buwan.
Inaanyayahan naman ang lahat ng kababaihan na interesado na magpa-register ng maaga dahil limitado lamang ang slots para sa programa at ipinatutupad ang first come, first served policy.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










