𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦, 𝗟𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗥𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗕𝗢-𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗔𝗥𝗥𝗜𝗩𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗣 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢

Nasa normal range pa rin umani at laging nakahanda ang Pamahalaang Panlungsod ng Alaminos at tanggapan ng City Tourism and Cultural Affairs Office ang daan-daan hanggang isang libong dagdag sa tourist arrivals sa Hundred Islands National Park tuwing weekdays at weekends.

Sa kanilang talaan ngayong buwan ng Hunyo ay nasa hanggang 300 ang dagdag na bisita tuwing weekdays at 500 hanggang isang libo naman ang dagdag tuwing weekends.

Sa kabuuan, nasa 21,192 ang naitalang tourist arrival sa Alaminos City sa dalawang linggo ngayong Hunyo.

Sa pahayag ni City Tourism and Cultural Affairs Office assistant head Rose Aruelo ang karagdagang bilang na nabanggit ay normal sa kanilang tanggapan. Maaaring dahilan ng pagdagsa ang pagtatapos ng klase ng mga mag-aaral at panahon sa kabila ng deklarasyon ng tag-ulan.

Kaugnay nito, ilang mga isla sa National Park ang bukas sa publiko na nagtatampok ng water activities tulad ng snorkeling, cliff-jumping at banana boat ride maging ang zip line. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments