Wednesday, February 4, 2026

𝗟𝗧𝗢𝗣𝗙 𝗔𝗧 𝗙𝗜𝗥𝗘𝗔𝗥𝗠𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗟𝗜𝗚, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔


Cauayan City – Magkakaroon ng One-Stop Shop para sa License to Own and Possess Firearm (LTOPF) at Firearms Registration (FR) ang mga gun owner, firearm holder at gun enthusiast sa lalawigan ng Isabela, ngayong araw February 4, 2026 sa Brgy. Centro 2, Mallig, Isabela.

Layunin ng aktibidad na mapadali at mapabilis ang pagproseso ng lisensya at rehistro ng mga baril sa pamamagitan ng isang araw na kumpletong serbisyo.

Inaanyayahan ang mga may-ari ng baril at mga bagong aplikante na samantalahin ang naturang one-stop shop upang makapag-apply o makapag-renew ng kanilang LTOPF at mairegister ang kanilang mga armas alinsunod sa umiiral na batas.

Ang aktibidad ay inaasahang makatutulong sa mas maayos na regulasyon ng firearms sa lalawigan at sa pagpapalakas ng kaayusan at kaligtasan ng komunidad.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments