𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟴𝟬 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗨𝗦𝗦𝗜𝗔, 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗞𝗥𝗔𝗜𝗡𝗘

CAUAYAN CITY – Tuluyan ng napasailalim sa kontrol ng Ukraine ang mahigit 80 pamayanan sa bansang Russia, kabilang na ang bayan ng Sudzha matapos ang isinagawang “major incursion” ng naturang bansa.

Ayon sa opisyal ng Ukraine, nagsimula ang kanilang pagsasagawa ng incursion noong nakaraang linggo sa may bahagi ng Kursk region.

Bukod dito, ibinahagi ni Ukranian President Volodymyr Zelensky sa pamamagitan ng video message ang planong pagpapatayo ng Ukrainian military commandant’s office sa Sudzha bilang simbolo ng paglaya ng nabanggit na bayan sa kamay ng mga militar ng Russia.


Samantala, inanunsyo naman ni Russian Defense Minister Andrey Belousov ang karagdagang tropa at pwersa ng militar upang mapalakas pa ang seguridad sa mga katabing-lugar ng bansang Ukraine.

Facebook Comments