𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗚𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗣𝗜𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗢𝗪𝗧𝗢𝗪𝗡 𝗔𝗥𝗘𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗜𝗠𝗜𝗟𝗜

Mas naramdaman ang bigat ng daloy ng trapiko kahapon, December 31,2023 lalo na sa bahagi ng Downtown sa Dagupan City.

Sa dami kasi ng mga mamimiling nagsidatingan sa Downtown, ang iba sa mga ito ay nasakop na ang mga daanan ng mga motorista.

Maging ang mga nagtitindang vendors, sinakop na rin halos kalahati ng daanan para lamang makapagpwesto ng kanilang mga ibinibenta.

Kaya ang karamihan sa mga motorista, nabadtrip ngunit walang magawa kung hindi hintayin na umusad ang mga sasakyan.

Samantala, naglibot naman sa mga siksikang bahagi ang ilan s amga kawani ng kapulisan para patuloy na masigurong kigtas at payapang nakakapamili ang mga taong nagsisidatingan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments