π— π—”π—§π—¨π— π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—•π—˜π—‘π—§π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š π—›π—œπ—šπ—›π—Ÿπ—”π—‘π——π—¦ π—©π—˜π—šπ—˜π—§π—”π—•π—Ÿπ—˜π—¦ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬ π—£π—”π—šπ—žπ—”π—§π—”π—£π—’π—¦ π—‘π—š π—›π—’π—Ÿπ—œπ——π—”π—¬ π—¦π—˜π—”π—¦π—’π—‘, 𝗑𝗔π—₯𝗔π—₯𝗔𝗑𝗔𝗦𝗔𝗑 π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘, 𝗔𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—‘π—”π—šπ—•π—˜π—•π—˜π—‘π—§π—”

In demand ang mga highlands vegetables noong holiday season ngunit ngayong bagong taon ramdam muli ng mga nagbebenta sa Dagupan City ang tumal nito ngayong unang linggo ng bagong taong 2024.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang vendors sa Malimgas Public Market sa lungsod gaya na lamang ni Dong Macatbag na nagbebenta ng mga highlands vegetables gaya ng repolyo, cauliflower, broccoli, carrots, patatas at iba pa na matumal ang bentahan ngayong bagong taon.

Aniya, naging mabilis ang bentahan noong buwan ng Disyembre dahil kaliwa’t kanan ang mga handaang nangangailangan ng ganitong sangkap.

Dagdag pa niya na noong nakaraang malalaking handaan, mababa ang bentahan ng mga ito ngunit ngayon isa sa nagpapahirap sa kanila ngayon ang muling pagsirit sa presyo ng ilang gulay gaya ng ng Carrots, bell pepper, chicharo, Baguio beans at iba pa.

Ngunit sa kabila ng pagtaas ng bilang gulay, may mga gulay ang hindi gumalaw ang presyo gaya ng Broccoli at Cauliflower na nasa β‚±50-β‚±60, repolyo na nasa β‚±20-β‚±30 ang kada kilo at iba pa.

Inaangkat pa aniya ang mga gulay na ito sa Agri-Pinoy Center sa Urdaneta City.

Mensahe nito sa mga costumer na kahit mataas ang bentahan may makukuha pa ring mga discount sa bibilhin highlands vegetables. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments