𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗠𝗨𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗛𝗔𝗪𝗔𝗞 𝗣𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗗𝗔𝗦𝗢𝗟

Nasa kostudiya pa ngayon ng PNP sa bayan ng Dasol ang ginang na inaresto matapos mapag-alamang wanted person pala ito sa lalawigan ng Batanes.

Sa naging panayam ng IFM dagupan Kay Police Staff Sargeant Ricky Mamaril, hawak pa nila ang akusado na nakilalang si Ginang Imelda Gabisan ng bayan ng Burgos.

Natuklasan ito sa pamamagitan ng National Police Clearance System kung saan ay nahaharap sa kasong qualified theft ang ginang na walang piyansa sa bahagi ng Basco sa Batanes kung saan agad Silang nakipag ugnayan doon sa Batanes.

Bagamat nagulat hindi naman umano tumanggi ang ginang na siya nga ang hinahanap ng mga otoridad sa Batanes dahil sa nasabing kaso.

Sa ngayon ay patuloy ang ugnayan ng PNP Dasol at PNP Batanes kaugnay sa Pag-turn over sa nasabing ginang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments