Muling nakapagtala ang Department of Health – Ilocos Center for Health Development ng panibagong kaso ng COVID-19 sa Region 1 mula sa February 25 hanggang March 2 ngayong taon.
Sa pinakahuling datos, nasa labinlima ang bagong kaso ng COVID kung saan, ang average na bilang nito kada araw sa nabanaggit ng linggo ay nasa 2, mas mataas ng 200% kumpara sa naitalang kaso noong Feb 18 hanggang 24.
Mayroong isang naitalang malubha at isa ring pumanaw dahil sa naturang sakit.
Nagpapatuloy ang pagbabakuna ng Covid19 vaccine at booster shots partikular sa A2 population o kinabibilangan ng mga Senior Citizen sa buong Ilocos Region.
Nasa higit tatlong milyon na sa Region 1 ang fully vaccinated individuals habang nasa halos dalawang milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang 1st booster dose.
Hinihimok ang publiko na panatilihin ang minimum public health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask upang mabawasan ang tyansa ng pagkakahawaan at matinding paglaganap muli ng pandemya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨