𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗥 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝟭𝟭

Nasa hanggang labing-isang mga bagyo ang aasahang makakapasok sa bansa ngayong taong 2024, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Ayon kay PAGASA weather specialist Rusy Abastillas, halos mga bahagi sa Luzon ay makararanas ng below normal rainfall.

Sa lalawigan ng Pangasinan, matatandaan na naitala ang 0-1 na bilang ng bagyo ang maaaring mabuo o makapasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR.

Sa sunod na buwan ng Abril, nasa hanggang isa lang din ang inaasahang papasok na bagyo, hanggang dalawa naman sa Mayo at Hunyo, habang maaaring hanggang tatlo mula Hulyo hanggang Setyembre.

Samantala, bagamat humina na ang El Nino, maaaring pang tumaas ang bilang ng mga apektadong probinsya kasama ang Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments