Nagkalat na basura ang tumambad sa ilang residenteng nakatira malapit sa Lingayen Beach Capitol Baywalk matapos na dagsain ito ng mga bumisita nitong Semana Santa.
Sa facebook post ng isang concerned citizen, kita ang mga basurang nagkalat sa kung saang bahagi ng naturang beach capitol lalo na sa bahagi ng baywalk kung saan pinag tambayan ng mga bumisita.
Hindi naman nagkulang sa paalala ang awtoridad at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Lingayen ukol sa tamang pagtatapon ng basura at maging responsableng bumibisita sa mga ganitong klase ng lugar dahil malaki ang magiging epekto nito sa kalagayan ng kapaligiran maging ng mismong dagat.
Samantala, tuloy tuloy na lamang ang pagsasagawa ng MENRO ng clean up drive sa naturang pasyalan kahit pa noong mismong peak o dagsa ng tao nitong Semana Santa para tuluyan na malinis at maayos ang mga nagkalat na basurang iniwan ng mga bumisita. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨