Cauayan City – Inilibing na lamang sa hukay ang 28 alagang biik sa Brgy. Sta. Cruz, Gonzaga, Cagayan matapos na mamatay ang mga ito dahil sa paghagupit ng Bagyong Ofel kahapon sa buong lalawigan.
Ang mga biik ay pagmamay-ari ni Archt Cabildo Tamayo, residente mula sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, bago pa man namatay ang kanyang mga biik ngayong bagyong “Ofel”, una ng nasira ang kanyang piggery noong kasagsagan naman ng paghagupit ng bagyong “Marce”.
Nagawa pang makaligtas ng mga biik noong mga naunang bagyo subalit dahil sa magkakasunod na bagyong naranasan, hindi na nakayanan pa ng kanyang mga alaga ang epekto nito dahilan upang sila ay mamatay.
Facebook Comments