Patuloy na nananawagan ang ilang mga estudyante na maibalik ang dating school calendar dahil sa kadalasang suspensyon ng klase dulot ng mainit na panahon.
Ayon sa ilang mga learners, mas mainam na maibalik ang dating sistema dahil mababawasan umano ang pagkaantala sa kanilang kurikulum o pag-aaral kung mananatiling tuloy-tuloy ang kanilang synchronous classes.
Pahayag naman ng Department of Education (DepEd) na patuloy ang kanilang pagkonsulta sa mga stakeholders ukol sa planong maibalik ang old school calendar na karaniwang nag-uumpisa mula buwan ng Hunyo at nagtatapos naman sa buwan ng Marso.
Samantala, kabilang din sa pinagtutuunan ng pansin ng kagawaran ang pagsasaayos ng mga pasilidad sa mga paaralan para sa mas komportableng kapaligiran ng mga mag-aaral at guro |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨