Pinulong ang mga hog raisers at traders sa bayan ng Mapandan upang talakayin mga usapin na nakapaloob sa hog raising at ang kinakaharap na bantang dala ng African Swine Fever o ASF sa bayan.
Pangunahing ibinahagi ang kaalaman sa wastong pamamahala sa pagpapalaki ng mga alagang baboy at mga kinakailangang dokumento kung planong magbyahe ng baboy at iba pa.
Pinag-usapan din ang posibleng mga epekto sakaling matamaan ang mga alagang baboy ng ASF virus. Patuloy na tinututukan sa Mapandan katuwang ang Provincial Veterinary Office at Department of Agriculture Regional Field Office 1 ang kalagayan ng mga alagang baboy sa bayan.
Matatandaan na isa ang bayan sa pinaka apektado ng sakit noong 2019 kung saan daang daang baboy ang isinailalim sa culling operation upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. Samantala, nananatiling ASF-free ang probinsya ng Pangasinan at nasa yellow zone category lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨