Babawiin muna ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Urdaneta ang mga sasakyan ambulansyang ipinamahagi sa bawat barangay ng lungsod matapos mapag-alamang hindi ito nagagamit ng tama.
Ayon sa post ng alkalde ng lungsod na si Mayor Julio Rammy Parayno, maraming dumarating sa opisina nitong mga reklamo na ang mga sasakyang ambulansya ay ginagamit na umano ng personal ng mga ilang Kapitan at hindi na rin aniya nagagamit ang mga ito dahil ayaw na ring ipagamit o ipahiram ng mga Kapitan.
Dahil aniya sa mga reklamong ito ay nagdesisyon siya na bawiin muna pansamantala ang mga sasakyan dahil paliwanag nito na hindi nagagampanan ng mga sasakyang ang kanilang mga layunin.
Dagdag pa nito na ang ilang sasakyan ay marami na ring bangga, gasgas at ang iba naman ay pinabayaan na umanong tuluyan.
Matatandaan na ipinamahagi ang naturang mga sasakyan sa pamamagitan ng isang resolution at Deed of Donation.
Ngunit ngayon aniya, sumulat din siya sa Sangguniang Panlungsod kailangan bawiin muna ang ibang sasakyan, sa pamamagitan aniya ng isang resolusyon mula sa SP at upang gawing ging pamantayan sa paglabas ng Deed of Revocation para umano aniya mabawi ang mga nasabing sasakyan.
Layon din nito ay upang mas aalagaan at mas mapakinabangan ng maayos.
May Ilang Barangay naman na hindi babawiin dahil maayos na ginagamit ang mga sasakyan.
Pansamantala munang maglalagi ang mga sasakyang ito sa City Hall nang mapakinabangan umano ang mga ito ng maayos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨