Umpisa na sa pag-aani ang ilang magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan upang samantalahin ang mataas na buying price ng palay sa kasalukuyan.
Nasa 26 pesos per kilo ang kuha sa fresh palay habang nasa ₱29 naman ang kada kilo ng dried palay.
Ayon sa Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG, ang nananatiling mataas na buying price ng palay ay bunsod ng konti pang mga nag-aani bagamat asahan na pagpatak ng buwan ng Marso ay unti-unti na itong bababa.
Samantala, isa rin sa dahilan ng maagang pag-ani sa mga sakahan ay ang iniiwasang epekto ng umiiral na El Niño Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments