Pinaalalahanan ang mga mangingisda sa lalawigan ng Pangasinan na pansamantalang ipagpaliban muna ang pagpapalaot. Kasunod ito ng itinaas na tropical cyclone wind signal number 1 sa lalawigan dulot ng Tropical Depression Gener at Hanging Habagat na inaasahang magdadala ng mga pag-uulan.
Ito ay upang maiwasan ang anumang insidente sa katubigan sa kabila ng walang nakataas na gale warning sa probinsya.
Nasa 55km/h ang lakas ng hangin habang 70 km/h naman ang bugso nito.
Pinayuhan din ng Office of the Civil Defense Ilocos Region ang publiko na maging handa sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sakaling magtuloy tuloy ang pag-uulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments