Nadagdagan pa ang Nagsuspinde ng face-to-face classes sa mga parehong pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan ng Pangasinan kasunod ng pagkakatala ng magkakasunod na mataas na heat indices sa probinsya.
Sa bisa ng inilabas na mga Executive Orders, nagdeklara ng face-to-face Class suspension ang mga lokal na pamahalaan ng Dagupan, Manaoag, San Manuel, Mapandan, Malasiqui, Sta. Barbara at Asingan Mangatarem at San Fabian na nagkakaiba sa lebel mula Kindergarten hanggang Senior High School.
Matatandaang patuloy na naglalaro sa 40 hanggang 45 degrees Celsius ang naitatalang heat index sa lalawigan ng Pangasinan at pasok ito sa Danger Category.
Pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa maaaring maidulot na banta ng init ng panahon sa kalusugan.
Samantala, ilang mga paaralan ay sinuspinde na ang face-to-face classes hanggang sa susunod pang araw at magpapatuloy ang klase sa pamamagitan ng itinakdang learning delivery mode ng mga paaralan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨