𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚

Pinaalalahanan ngayon ng awtoridad ang mga Pangasinense na doblehin ang seguridad at pag-iingat dahil sunod-sunod ngayon ang sunog na naitatala sa lalawigan.

Payo ng awtoridad na maging mapanuri sa buong kapaligiran nang sa gayon ay maiwasan ang mga ganitong klase ng insidente.

Ang ilang Pangasinense naman, mas magiging maingat sa mga ginagamit sa loob ng kanilang mga bahay na maaaring makalikha ng sunog.

Ang iba, tinatanggal na agad sa saksakan ang mga electrical appliances kung hindi naman ito ginagamit dahil maaari rin kasi itong maapektuhan ng init ng panahon.

Dagdag naman awtoridad na makipag-ugnayan sa kanila sa oras na may mangyari o may maitatalang sunog sa inyong lugar at agaran na mabigyan ng aksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments