𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘𝗡𝗢𝗦, 𝗧𝗜𝗣𝗜𝗗 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗞𝗔𝗛𝗜𝗧 𝗣𝗔 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗜𝗧

Nagtitipid pa rin sa tubig ang ilang Dagupeno kahit pa kinumpirma naman na sapat ang tubig sa lungsod ngayong nararanasan ang mainit na panahon.

Ang ilang residente sa island barangay, aminadong hirap sa matinding init ngayon ngunit kailangan pa rin umano nilang magtipid at mag-imbak ng sapat na tubig dahil kung sakali man na maranasan ang pagkawala ng tubig ng biglaan.

Ang mga bata naman, mas pinipili munang magtampisaw sa ilog o sa mga maliliit na palaisdaan para maibsan ang init ng panahon at makatipid sa tubig sa gripo at sa poso.

Samantala, inihayag naman ng alkalde ng lungsod na sapat ang tubig sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments