𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗬𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢

Nakagawian na ng mga Pilipino ang mamasyal sa tuwing sumasapit ang kapaskuhan, ang pamamasyal, dahil upang magkaroon ng oras para sa kanilang pamilya.

Dinadagsa ng mga Pangasinense ngayon ang mga pasyalan sa lalawigan ng Pangasinan ngayong araw ika-25 ng Disyembre.

Ilan lamang sa mga pasyalan sa lalawigan na tiyak na pinupuntahan ng mga Pangasinense mga mall, dagat at mga simbahan gaya na lamang ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa bayan ng Manaoag at sa Lungsod ng San Carlos na Minor Basilica of St. Dominic De Guzman.

Samantala, tiniyak naman ng PNP Pangasinan na may police visibility o nakatalagang mga pulis sa bawat pasyalan upang siguruhin ang kapayapaan sa lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments