𝗠𝗔𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗣𝗜𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Nararanasan ngayon sa mga kakalsadahan sa lungsod ng Dagupan ang magaan na daloy ng trapiko sa nasabing lungsod.

Ayon sa mga drivers at operators, hindi raw masyadong inaasahan na hindi na congested ang mga kakalasadahan lalo na at ngayong araw ding ipinagdiriwang ang Christmas Day.

Isa naman sa nakikitang dahilan bakit ramdam ngayon ang bilis ng daloy ng trapiko ay ang napansing konting mga bumbyaheng sasakyan at maaari raw na mas pinili ng mga tao na ipagdiwang ang Kapaskuhan sa kanilang mga tahanan.

Bagamat ilang kakalsadahan ang nakakaranas pa rin ng mabagal na usad ng trapiko bagamat hindi ito kasingbigat kumpara sa karaniwang nararanasan ng mga commuters at drivers sa pang araw-araw.

Samantala, nanatiling two-way na ang siste sa bahagi ng Arellano St. dito sa Dagupan City sa kabila nang nagpapatuloy na konstruksyon ng mga road projects sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments