𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗢𝗪𝗪𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Dahil sa layuning mas maraming Overseas Filipino Worker o OFW na mula Western Pangasinan ang kailangan matulungan at maabot ng ahensya ay tumungo ang OWWA Region I sa bayan ng Agno.
Layunin din ng pagbisita ng ahensya sa nasabing bayan ay upang maibahagi at madala sa mga OFW na umuwi sa bansa ang mga dapat na tulong, programa at serbisyo na dapat nilang makuha sa ahensya sa pamamagitan ng Parokya ng OWWA sa Barangay at sa Pamilyang OFW.
Higit isandaang OFW dito kabilang na ang kani-kanilang pamilya ang benepisyaryo sa programa.

Ang Parokya ng OWWA sa Barangay at Pamilyang OFW ay isang community-based na initiative na naglalayong maabot ang mga OFW at kanilang mga pamilya sa mga liblib na lugar.
Ang programa ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng OWWA, gayundin ang mga referral sa iba pang ahensya ng gobyerno at NGO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments