π— π—šπ—” 𝗣𝗨𝗩 𝗗π—₯π—œπ—©π—˜π—₯𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯π—œπ—¦π—§π—” 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—‘π—”π—šπ—£π—”π—™π—¨π—Ÿπ—Ÿ π—§π—”π—‘π—ž 𝗑𝗔 π—•π—”π—šπ—’ π—”π—‘π—š π—žπ—”π—¦π—”π——π—’π—‘π—š π—’π—œπ—Ÿ 𝗣π—₯π—œπ—–π—˜ π—›π—œπ—žπ—˜

Nagpa-full tank na ang ilan sa mga PUV drivers maging motorista sa lalawigan ng Pangasinan bago pa tuluyang maimplementa ang karagdagang serye ng malakihang taas presyo sa krudo bukas.

Aasahan na may malaking dagdag presyo sa Gasolina ng nasa P1.10, P.1 55 naman sa Diesel at P1. 40 sa kada litro ng mga nasabing produkto.

Ayon sa mga operators at drivers, sigurado raw muli ang pagpunta ng kinitang pera sa pangkrudo ng mga ito, at bahagyang malaking kabawasan sa iuuwing kita sa pamamasada.

Dagdag pa nila na bagamat hindi raw nasurpresa ang mga ito sa patuloy na paggalaw sa presyo ay dismayado sila sa malakihang umento nito.

Samantala, asahan ang pagpapatupad ng mga oil companies ng oil price adjustment bukas, April 9, 2024. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments