Ikinatuwa ngayon ng mga konsyumer na bumibili sa mga pamilihan sa Dagupan City ang napansing pagbaba ng presyo ng produktong itlog.
Sakto umano ngayon ang pagbaba ng presyo nito dahil sa nagtataasang presyo ng ilang basic commodities lalo at madalas na inuulam umano ng mga ito ang itlog.
Ayon naman sa panayam ng IFM News Dagupan kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So, sinabi nitong malaki ang produksyon ng itlog ngayon kumpara noong mga buwan ng Setyembre hanggang Oktubre ng 2023 kung saan naramdaman ang pagtaas ng presyo nito.
Hiling ngayon ng mga konsyumer ang sanay pag-stable na ng presyo ng itlog sa lalawigan ng sa gayon ay abot kaya pa nila at makakabawas sa mga gastusin rin nila sa pang araw-araw.
Kinumpirma naman ni So na mararamdaman pa ang pagbaba ng presyo ng itlog at asahan ang pag-stable nito sa mga susunod pang linggo dahil sa malaking produksyon nito sa ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨