₱𝟲 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗣𝗜𝗥𝗔𝗦𝗢, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nananatili sa sais o ₱6 ang kasalukuyang pinakamababang presyo sa kada piraso ng itlog sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Higit ilang linggo na rin itong nararanasan simula pa noong pagpasok ng taong 2024.

Nasa ₱7 hanggang ₱8 ang presyo sa medium size nito habang nasa ₱8.50 hanggang ₱9 naman ang pinakamalaking mabibiling sukat ng nasabing produkto.

Kinumpirma rin ng Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG na mataas ngayon ang produksyon nito dahilan upang manatiling mababa ang presyuhan sa merkado.

Samantala, ayon sa mga egg vendors, mas mabenta sa mga consumers ang medium size ng itlog dahil sa katamtamang laki nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments