𝗡𝗔𝗣𝗢𝗟𝗖𝗢𝗠 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔; 𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗟𝗜𝗧

Tagumpay na idinaos sa lalawigan ng Pangasinan ang NAPOLCOM Examination nito lang linggo sa bayan ng Lingayen.
Matagumpay ding nakuha ng kabuuang 984 na mga aplikante mula sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan.
Naging posible ang pagsusulit na inorganisa ng NAPOLCOM RO1 sa tulong ng iba’t ibang ahensya gaya na lamang ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan, PNP Pangasinan, Pangasinan Provincial Medical and Dental Unit, LGU Lingayen, BFP Pangasinan, at kaguruan ng Pangasinan National High School.

Samantala, matatandaan na nagkaroon ng kasunduan ang dalawa kung saan sa ilalim ng SP Resolution 952-2023 susuportahan ng probinsiya ang ahensiya na ito sa pamamagitan ng pamamahagi ng P250,000 na donasyon para sa mga isasagawang eksaminasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments