Suportado ng National Parents Teachers Association o NPTA ang naging hakbang ng Department of Education o DepEd kaugnay sa pagpapalabas ng memorandum para sa pag-adjust ng pagtatapos ng school year ngayon.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan Kay NPTA Executive Vice President Lito Senieto, sinabi nito na kaisa sila sa NPTA sa Naging desisyon ng DepEd.
Aniya, buwan pa lang ng Enero ay may mga survey na kung gusto ba ng mga magulang na ibalik ang pasukan sa dati nitong petsa na June hanggang March.
Madami, aniya, sa mga magulang ang sumang ayon dito sa iba’t ibang kadahilanan.
Matatandaan na naglabas ng memo ang DepEd noong martes kaugnay sa maagang pagtatapos ng school year para mapaghandaan ang pagbabalik ng klase sa dati nitong eskedyul. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨