Ipinatutupad ngayon ng ilang paaralan sa bayan ng Mangaldan ang ‘No Curtain Policy’ o pagtatanggal ng kurtina sa mga bintana para sa maayos na bentilasyon sa mga silid-aralan ngayong nararanasan ang labis na init ng panahon.
Sa pamamagitan nito, mas aayos ang daloy ng hangin sa loob ng silid-aralan at mas maiiwasan na magkaroon ng sakit ang mga estudyante ngayong tag-init.
Dagdag ni Eduardo Castillo, ang Punong Guro ng Mangaldan National High School, suspendido rin maging ang mga outdoor activities sa pamantasan.
Kaugnay nito, karamihan sa mga paaralan sa Pangasinan ang nag-aanunsyo ng kanselasyon ng klase matapos mabigyan ng awtoridad na makapagsuspinde ng klase dahil sa sobrang init ng panahon.
Inaasahang mas tataas pa ang naitatalang heat index sa mga susunod na araw bunsod ng umiiral na El Niño phenomenon kasabay ng dry season sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨