
Cauayan City – Naaresto ang No. 1 Municipal Top Most Wanted Person ng Alicia matapos ipatupad ang warrant of arrest kaugnay ng sexual assault at acts of lasciviousness laban sa menor de edad.
Pinangunahan ang operasyon ng Alicia MPS, katuwang ang iba pang yunit ng PNP, bilang bahagi ng kampanya laban sa mga wanted persons at krimen laban sa kabataan.
Kinilala ang suspek bilang si alyas “Dax,” 19-anyos at residente ng Brgy. Aurora, Alicia.
Ayon sa pulisya, inisyu ang warrant noong Enero 9, 2026 ng RTC Branch 20, Cauayan City, na may piyansa na ₱180,000 para sa sexual assault at ₱60,000 para sa acts of lasciviousness sa ilalim ng RA 7610.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine.
Kasalukuyan nasa kustodiya ng Alicia Municipal Police Station si “Dax”, habang hinihintay ang pagharap sa korte.
Source: ISABELA PNP
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










