Wednesday, February 11, 2026

β€Žπ—‘π—¨π—§π—₯π—œπ—§π—œπ—’π—‘ 𝗔𝗧 𝗙𝗒𝗒𝗗 π—¦π—˜π—–π—¨π—₯π—œπ—§π—¬ 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠, π—£π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¦ π—‘π—š π—£π—šπ—œ 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 𝗠𝗔π—₯π—œπ—”π—‘π—’, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

β€Ž
β€ŽCauayan City – Nagpatupad ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela (PGI) ng pinalakas na nutrition at food security activity sa Barangay Disulap, San Mariano noong Pebrero 10, 2026, bilang bahagi ng patuloy nitong kampanya laban sa malnutrisyon sa mga liblib na lugar.
β€Ž
β€ŽNakinabang sa programa ang 45 batang may edad 0 hanggang 59 buwan na nakararanas ng malnutrisyon, pati na ang mga nagpapasusong ina. Tumanggap ang mga benepisyaryo ng pasteurized milk, starter chickens, itlog, poultry vitamins, at mga punla ng gulay.
β€Ž
β€ŽAyon sa mga opisyal, layon ng pamamahagi na matugunan ang agarang pangangailangan sa nutrisyon at mahikayat ang mga pamilya na mag-alaga ng manok at magtanim ng gulay para sa pangmatagalang suplay ng masustansiyang pagkain at posibleng dagdag-kabuhayan.
β€Ž
β€ŽIsinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng IPHO, PSWDO, PVET at OPA, at nakaayon sa Walang Gutom program ng lalawigan. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga opisyal ng barangay sa PGI sa pagbibigay ng tulong sa kanilang komunidad.
β€Ž
β€ŽSource: ISABELA PIO

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments