Tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang mga wirings o tinatawag na octopus wirings sa mga lugar na pinagbebentahan ng mga vendors lalo sa malapit sa bahagi ng Minor Basilica of Manaoag para maiwasan ang sunog.
Isa kasi sa nakikitang dahilan kung bakit nagkaroon ng sunog kamakailan sa pwesto ng ilang vendors at business establishments ay dahil sa mga wirings at octopus wiring.
Nakapagsagawa naman na ang LGU ng monitoring at inspection sa naturang lugar kung saan naganap ang sunog at para masolusyunan ang mga wirings na ginagamit ng mga ito sa pagbebenta.
Bagamat balik sigla na muli ang bentahan ng mga vendors na nagtitinda malapit sa Minor Basilica of Manaoag matapos na makaranas ng sunog kamakailan ay kailangan pa ring patuloy na matutukan ang kanilang mga pwesto para masigurong walang ano pa mang insidente ang mangyari.
Sa ngayon, pinag aaralan pa lang ng LGU Manaoag kung kinokonsidera ang pagkakaroon ng relokasyon para sa mga vendors doon.