𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗢𝗟𝗘𝗞𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗚𝗦

Umabot sa mahigit limampung trashbags ang napuno ng PDRRMO sa pagsasagawa nila ng kanilang clean up drive sa bahagi ng Lingayen Beach Baywalk matapos ang Semana Santa.

Umabot sa limamput apat na trashbags ang kanilang naipong basura galing sa ibat ibang bahagi ng ng naturang beach kung saan may bigat na apat hanggang limang kilo.

Paalala ng PDRRMO na maging disiplinado sana sa pagbisita sa mga pook pasyalan at panatilihing malinis ang kapaligiran sa kabila ng salo-salo at kasiyahan.

Dapat rin umano na kahit walang pagdaraos ay magkaroon ng pagmamahal sa kalikasan para mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa mga pook pasyalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments